|
Written by Chao Sia
|
|
Monday, 07 May 2012 10:57 |
|
Sa pag tila ng ulang hindi matapos -- Isang bahaghari ang sa aki'y gumapos. Humawak sa nananabik kong puso, Isang tanikalang sa isip ko'y nang-kandado. At di rin nagka-ulayaw ang mga ala-ala Mga talinghagang sa patay kong isip ay patuloy paring dala-dala. Isang makulay; oo, makulay na bahaghari ang sa matay nansilaw -- Bahaghari sa gabing mapanglaw.
Ngunit kong pakadamahin Ang bawat tibok na dama pag sya'y kapiling, Hindi ko lubos maunawa, Hindi ko naman ginustong mantakin, Isa itong paraisong malungkot man, palaging may sayang nagsasaliw.
At sa pag-tila ng ulang aking pinaka-aabangan Isang pag-ibig ang nabuhay at wala nang hangganan, Isang pag-asa na nararamdaman, Kahit ang bahag-hari niya'y sa gabi lamang.
Aantayin ko ang pagsikat ng haring araw Ng yaring liwanag na mag aalis ng panglaw, At susugurin ko ang hanging may dalang kalungkutan, Papalitan ko ng ligayang di matatawaran.
Sa muling pag andap ng lampara na syang naging saksi Sa mga isinalin kong pag-ibig sa titik na lumagi, Sa mga isipan ninyo, Ay aking sisiguruhing -- Hindi na muling masasayang ang sayang liwanag Na kahit isang pag-andap lamang.
Sa pag tila ng ulan; Baon parin ang unos sa aking isipan.
Sa pag tila ng ulan; Dala parin ang pait ng nakaraan
Sa pag tila ng ulan; Isang bagong bukas ang siyang masasaksihan.
Isang bagong bahaghari; isang bagong ibon na mananaghoy sa aking puso at isipan.
Jose Carlo Sia May 07, 2012 Pasay City |
|
|
Written by Chao Sia
|
|
Kung paanong haplos ang sayo'y yumapos Sa lilim ng langit, sa dilim nag hapit. Ang pagnasang unos na sayo'y gumapos Kumapit sa init, mata'y nakapikit. Isang daang puso't isang libong tukso Lango ang isipa't sirang kapalaran Nagdaloy sa dugo't nagdalang libido Naging kasiyahan sa silong ng buwan. Pigil na lagaslas, sa dila'y tinatas, Ingay ay pinatay nang walang magmalay Sa pigtas na wakas ng sayang dinanas kapit ay tumibay, sa likod nang lakbay. Ang luhang pumatak sa puso'y tumatak At sa isang halik sa gabing mainit Hininga'y hinatak sa kamay' humawak At kapit na kapit — madii't mahigpit. At itong tagumpay sa labi'y namahay Ay siyang bumalot sa puktong inabot; Nalimot ang lumbay, lungkot ay nawalay — Umigtas ang libog ng mawalang saplot. |
|
|
|
|
<< Start < Prev 1 2 3 4 5 6 Next > End >>
|
|
Page 1 of 6 |